OPLAN TANGGAL SPAGHETTI WIRES, SINIMULAN NA SA CALASIAO

Sinimulan na ang Oplan Tanggal Spaghetti Wires sa Central Business District ng Calasiao bilang tugon sa lumalalang problema ng buhol-buhol at nakalaylay na mga kable ng kuryente at telekomunikasyon.
Layunin umano ng aktibidad na alisin ang visual pollution at mapabuti ang kaligtasan ng publiko.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga nakalawit na kable ay hindi lamang sagabal sa tanawin kundi posibleng magdulot ng aksidente at panganib sa mga residente at dumadaan.
Patuloy ang mga clearing operations sa mga pangunahing lansangan ng bayan bilang bahagi ng kampanya para sa isang mas maayos at ligtas na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments