Dalawampu’t limang (25) Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) mula sa lungsod ng Pasay, Pasig, Maynila, Caloocan at Pateros ang sinuyod para hatiran ng munting regalo bilang bahagi ng Oplan TODA Max – Bayanihan sa Bayan ni Juan ngayong ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Ito ay sa pangunguna ng RMN Networks Inc., RMN Foundation, DZXL 558 Radyo Trabaho at ng ACS Manufacturing, Inc.
Unang pinuntahan ng grupo ang Brgy. 321 sa Sta Cruz, Brgy. 659 sa Ermita, Recto Avenue at San Andres, Malate sa Maynila kung saan pitong TODA ang binabaan ng munting regalo.
Pitong TODA rin ang nahatiran ng hygiene kits sa Brgy. Bagong Barrio, Brgy. Concepcion, Barangay Sta. Queteria, Kaunlaran Village C-3, 11 Avenue, Brgy. 16 at 28 sa Caloocan City.
Habang anim na TODA naman ang inikutan sa bahagi ng Buting, San Joaquin sa Pasig City, Tramo, Brgy 31 at 201 sa Pasay City, Martirez at Santo Rosario-Kanluran sa Pateros.
Umabot sa 200 hygiene kits na naglalaman ng ACS products gaya ng Shield Bath Soap, Unique Toothpaste at Pride Detergent Bar at Powder ang ating naipamahagi.
Ang proyektong ito ay pagbibigay pugay at pasasalamat sa mga TODA Max driver na mga bago nating bayani na humaharap sa panganib dulot ng COVID-19 pandemic.
Hanggang sa mga susunod pang proyekto mga ka-Radyoman, kita-kits!