Umarangkada na ang tatlong team ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa proyektong ‘Oplan Toda Max – Bayanihan sa Bayan ni Juan’.
Katuwang ang RMN Networks Inc., RMN Foundation, Inc. at sa pakikipagtulungan ng ACS Manufacturing, Inc., mamimigay ang grupo ng 200 hygiene kits sa mga tricycle driver na isa sa mga itinuturing nating frontliners ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.
Kaya kahit bumagyo man ay walang makakapigil para sa isang araw na pagpupugay sa ating mga bagong bayani ng bayan ni Juan.
Target na ikutan ng grupo ang iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa lungsod ng Pasay, Manila, Caloocan at munisipalidad ng Pateros.
Facebook Comments