OPLAN TOKHANG | CHR, inanyanyahang sumama sa operasyon

Manila, Philippines – Inanyayahan ni NCRPO director Oscar Albayalde ang Commission on Human Rights (CHR) na sumama sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Ayon kay Albayalde, dapat ay makita ng CHR na walang itinatago sa implementasyon ng tokhang.

May body camera na at sinasamahan ng Media at mga opisyal ng barangay ang Tokhangers.


Aniya , walang bago sa oplan tokhang reloaded.

Gusto lamang nilang itama ang maling pagkaunawa na ang mga nasawi sa lehitimong drug buy bust operation ay dahil sa Oplan Tokhang.

Ang Oplan tokhang ay lower barrel o ang pagpapaliwanag sa mga drug suspects na patunayan na hindi sila sangkot sa droga.

Aniya ang mga binibisita nila ay batay sa validated list ng PNP at Barangay Anti-Drug Council.

Kinontra din ni Albayalde ang impression na nabalot ng takot ang mga kinatol sa Sitio Pitong Gatang sa Barangay Batasan Hills.

Sa katunayan aniya ay pinuri ng mga ito ang ipinakita ng otoridad na kausapin sila at bigyan ng opsyon sa pagpapanibago ng buhay.

Facebook Comments