OPLAN TOKHANG | Incoming PNP Chief Oscar Albayalde, tiniyak na patuloy na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng IAS at CHR

Manila, Philippines – Siniguro ni Incoming PNP Chief Police Director Oscar Albayalde na magpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa PNP internal Affairs Service at Commission on Human Rights (CHR) sa pagiimbestiga sa mga umano ay kwestyunableng operasyon kontra droga ng pamahalaan.

Ayon kay Albayalde, makikipagtulungan sila sa anumang imbestigasyon na gagawin ng anumang ahensya ng gobyerno.

Habang katulad ni Outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa hindi rin maipangako ni Albayalde ang pagiging no blood o walang mamatay sa kanilang war on drugs.


Dahil nakikita at napatunayan nya na raw na may mga nanlalaban sa kanilang mga ginagawang police operation.

Pero tiniyak nyang maiimbestigahan ito at handa rin silang magpa imbestiga sa kahit anumang investigating body.

Dagdag pa ni Albayalde na hindi rin sila magrerelax-relax sa pagsasagawa ng oplan tokhang na sinimulan sa pamumuno ni PNP Chief Dela Rosa, aniya napakaganda ng programang ito ng pamahalaan kaya hindi aniya sila sila titigil sa pagsasagawa ng oplan tokhang.

Facebook Comments