OPLAN TOKHANG | MPD, may pakiusap sa Manileño

Manila, Philippines – Nanawagan ang pamunuan ng Manila Police District na makiisa sa kampanya ng gobyerno tungkol sa muling pagbabalik ng Oplan Tokhang.
Ayon kay MPD District Director Joel Coronel, kailangan nila ang kooperasyon ng publiko para matiyak na maipatutupad ng kanilang hanay ang mga bagong guidelines ng Oplan Tokhang.
Paliwanag ng heneral kailangan agad na ipagbigay alam ng publiko sa kanilang tanggapan ang mga pulis na makikitang sumusuway sa bagong panuntunan ng Oplan Tokhang nang sa gayon ay agad maimbestigahan ang mga ito ay masisibak sa kani-kanilang mga posisyon.
Una nang ipinaliwanag ni Coronel ang mga bagong regulasyon sa implementasyon ng Oplan Tokhang.
Paalala pa ni Coronel na kung walang ginagawang masama ang mga suspected drug pushers at users ay walang dapat na ikabahala sa muling pagbabalik ng Tokhang.

Facebook Comments