Oplan Tokhang version laban sa mga delinquent employer, mas pinaigting

Manila, Philippines – Mas pinaigting pa ng Social Security System (SSS) ang pagtunton nito sa mga delingkwenteng employer.

Nagpapatuloy ngayon ang Oplan Tokhang version ng SSS sa private sector na bigong mag-remit ng kanilang kontribusyon.

Paalala ng SSS ang hindi pagbabayad ng kontribusyon ay isang gawaing kriminal na may parusang pagkakakulong.


Kahapon ay nasampulan ang isang delinquent employer sa Laguna na sinilbihan ng warrant of arrest.

Si Arlene Alao, 46-anyos ng Excellent Workers Multi-purpose Cooperative  ay kinasuhan ng paglabag sa  Social Security Law of 1997.

Ang SSS version ng Oplan Tokhang na nagsimula noong nagdaang taon kasama ang PNP ay patuloy na ipinatutupad ng ahensiya para pangalagaan ang kapakanan ng mga miyembro sa loob at labas ng bansa.

Facebook Comments