Pinaigting ng pamunuan ng SLEX-Skyway ang kanilang ‘Oplan Undas’ 2019.
Ito’y dahil sa pagsisimula ng pagtukod ng trapiko sa south Luzon Expressway dahil sa mga motoristang pauwi sa mga probinsya ngayong Undas.
Nakahanda na ang kanilang mga tauhan para umasiste sa mga motorista.
Ayon kay SMC Tollways Corporate Communications Head Marlene Ochoa? ipinapatupad na rin ang Counterflow at Stop and Go Scheme sa mga lugar na madalas magka-build up ng trapiko.
Paalala ni Ochoa na siguraduhing maayos ang mga sasakyan at maayos ang kundisyon ng driver bago bumiyahe.
Nasa 600,000 exit transactions kada araw ang kanilang naitatala.
Inaasahan ang karagdagang 10-12% na Increase hanggang November 4.
Facebook Comments