OPM iconic singer na si Claire dela Fuente, pumanaw na!

Pumanaw na ang OPM icon at veteran singer na si Claire dela Fuente sa edad na 62.

Mismong ang kaniyang kaanak at malapit na kaibigan ang nagkupirma ng pagkamatay ng singer dahil sa cardiac arrest.

Inamin din ng kaniyang anak na si Gigo na nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang ina.


Nakilala si Claire bilang Asia’s Sweetest Voice at Jukebox Queen kung saan tumatak sa publiko ang kaniyang mga awitin na ‘Sayang’, ‘Minsan Minsan’ at ‘Nakaw na Pag-ibig’.

Kasalukuyan ngayong nagluluksa ang kapamilya, kaibigan at tagahanga sa pagkamatay ng OPM icon.

Facebook Comments