Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi mapag-iiwanan ang mga persons with disabilities (PWDs) sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Sa kanyang talumpati na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa 30th Apolinario Mabini Awards ceremony sa Malacañang, nagbigay ng direktiba ang pangulo sa mga kaukulang mga ahensya ng gobyerno na tugunan ang mga hamong kinakaharap ng PWDs.
Giit ng president, kailangang lumikha ng mga daan tungo sa oportunidad, malasakit at pang-unawa para sa mga may kapansanan.
Ito’y para maging bahagi rin ang mga PWD sa paghubog ng lipunan.
Panawagan din ni Pangulong Marcos sa pribadong sektor na dagdagan ang mga oportunidad para sa PWDs at bigyan ang mga ito ng pantay na lugar sa trabaho.
Ang Apolinario Mabini Awards ay kumikilala sa mga indibidwal, grupo at mga ahensyang may malaking kontribusyon sa pagsusulong ng kapakanan ng PWDs.