Tuesday, February 17, 2026

OPORTUNIDAD SA TRABAHO, INILAPIT SA ALAMINIANS AT MGA KALAPIT NA BAYAN

Inilapit ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang oportunidad sa trabaho sa mga Alaminian at residente ng karatig-bayan sa pamamagitan ng isang Job Fair na isinagawa sa lungsod.

Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), layunin ng programa na matulungan ang mga aplikante na makahanap ng trabaho at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan.

Naging daan din ito upang direktang makapanayam ng mga aplikante ang mga local at overseas employers.

Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang magbigay ng suporta at impormasyon hinggil sa mga serbisyong may kaugnayan sa employment at social protection. Kabilang dito ang Pag-IBIG, OWWA, SSS, PhilHealth, BIR, DMW, at DOLE.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga aplikanteng dumalo at sa mga partner national agencies at employers na nakiisa upang maisakatuparan ang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments