Oposisyon, huwag paniwalaan, ayon kay Pangulong Duterte

Hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na huwag maniwala sa mga sinasabi ng mga kritiko hinggil sa mga pagkukulang ng pamahalaan sa COVID-19 response efforts.

Sa kaniyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi kailanman trabaho ng pamahalaan na magsinungaling at lokohin ang taumbayan.

Partikular ding pinatamaan ng Pangulo ang mga “Dilawan” na walang ginawa kundi lumikha ng ingay.


Paliwanag ng Pangulo na nananatiling banta sa bansa ang COVID-19 kahit may mababang bilang ng kaso ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Umaasa ang Pangulo na marunong ang lahat na makinig sa mga paliwanag.

Pinawi rin ng Pangulo ang pangamba ng publiko hinggil sa ekonomiya, lalo na at umabot sa recession ang bansa dahil sa pandemya.

Una nang sinabi ng Malacañang na nasa second phase na ng National Action Plan ang pamahalaan sa COVID-19 response kung saan binabalanse ang kasulugan at pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments