Manila, Philippines – Minaliit ng ilang mga kongresista mula sa oposisyon ang bahagyang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ngayong 3rd quarter ng 2017.
Mula sa 6.7% ng second quarter ng 2017 ay tumaas sa 6.9% ngayong 3rd quarter ang ekonomiya ng bansa.
Pero para kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, hanggat hindi nararamdaman ng mga maliliit na tao sa kanilang buhay ang pag-unlad ng ekonomiya ay balewala ito.
Posible aniyang tumaas lamang ng kaunti ang ekonomiya dahil na rin sa mga infrastructure projects.
Giit nito, malaki pa rin ang problema sa kahirapan, kawalan ng trabaho at ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Facebook Comments