Oposisyon, nais na i-verify sa AMLC ang mga alegasyon ni ‘Bikoy’ laban sa pamilya Duterte

Manila, Philippines – Pinabubusisi ng oposisyon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kontrobersya na ipinupukol sa mga miyembro ng pamilya Duterte at ilan nitong kaalyado.

Ayon kay Manuel Diokno, ang alegasyon na sangkot sa illegal drug trade ang miyembro ng unang pamilya ay madali lamang i -verify.

Sinabi ni Diokno na maaari namang silipin ng AMLC kung totoo ang mga  bank accounts na inilabas ni Bikoy sa “Ang Totoong Narcolist” na  ini-upload  sa social media.


Idinagdag ni Diokno na sa ilalim ng Human Security Act maaaring kusang mag-imbestiga rin ang Department of Justice o DOJ.

Hindi na aniya maaring isangkalan ang isyu ng confidentiality  lalo pa at kapag ang nasasangkot ay naakusahan ng seryosong  kriminal na aktibidad.

Kung mapatunayan aniya na totoo ang mga alegasyon ay marapat lamang na mas malalimang imbestigahan ang  kontrobersya.

Facebook Comments