
Pinag-iisipan pa ng hanay ng oposisyon ang posibilidad ng pakikipag-alyansa sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Hindi pa masabi ni Senator Risa Hontiveros kung posible ang pakikipag-alyansa ng hanay ng oposisyon sa kampo ni PBBM para sa 2028 national elections.
Sinabi ng senadora na sa ngayon ay inuuna muna nila ang pag-uusap ng mga orihinal na taga-oposisyon na katulad nila ang kaisipan para sa reporma.
Kapag mabuo na ang grupo, saka lamang nila mapag-uusapan kung magiging bukas sila para sa alyansa sa administrasyon.
Lumutang ang espekulasyon ng pagsasanib-pwersa ng mga dating magkakalaban sa politika nang pumunta sa Malakanyang kamakailan sina Hontiveros at dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo.
Facebook Comments










