Oposisyon, pinagtatalaga na si Pangulong Marcos ng DOH secretary na may kakayahang makapamuhay sa bansa kasama ang virus

Agad na pinagtatalaga ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Bongbong Marcos ng kalihim para sa Department of Health (DOH) pero sa ilalim ng kondisyon na dapat ay makakaya nitong gawin na mamuhay sa bansa kasama ang virus.

Ginawa ng senador ang reaksyon kasunod na rin ng pahayag ni PBBM na magtatalaga lamang siya ng Health secretary kapag nagbalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa sa gitna pa rin ngayon ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Para kay Pimentel, dapat na magtalaga si Pangulong Marcos ng kanyang ‘alter ego’ bilang pinuno ng DOH.


Ang DOH secretary ay dapat katulad ng pangulo na may parehong pag-iisip at adhikain para sa pagtugon sa pandemya.

Kung kinakailangan aniya ay kumuha ito ng kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan mula sa labas ng pamahalaan pero dapat ay buhusan niya ito ng suporta nang sa gayon ay makapamuhay ang bansa at mga mamamayan kahit pa naririyan lang sa paligid ang mga virus.

Facebook Comments