Oposisyon sa Kamara, may apela sa bagong administrasyon

May hiling ang oposisyon sa Kamara para sa susunod na administrasyon at sa bagong liderato ng Kongreso.

Apela ni Albay Rep. Edcel Lagman, sa bagong administrasyon na huwag ang mayorya ang pipili ng magiging lider ng oposisyon sa Kamara.

Ang tinutukoy ni Lagman ay ang istratehiya ng majority leadership kung saan kaalyado rin ang itinatalagang Minority Leader.


Iginiit ng kongresista na dapat hayaang magkaroon ng isang lehitimong oposisyon na malayang nakapagpapahayag ng pagtutol sa mahahalagang lehislasyon.

Tinukoy ng mambabatas ang kahalagahan ng masusing deliberasyon sa pagpasa ng mga panukalang batas at pagkakaroon ng debate para sa mahahalagang usapin.

Dagdag pa ni Lagman, ang palatandaan ng malayang talakayan ay ang pagkakaroon ng tunay na oposisyon.

Facebook Comments