Ilan pang kongresista ang humahadlang sa kumpirmasyon ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa Commission on Appointments.
Kaugnay nito ay nagsumite ng kanyang pagtutol si ACTS-OFW Rep. Aniceto John Bertiz sa CA kontra sa nominasyon ni Ubial.
Naniniwala ang kongresista na walang aksiyon si Ubial laban sa kumpanyang Winston Q8 na may monopolya ngayon sa medical testing ng lahat ng OFWs na patungong Kuwait.
Dahil monopolyado na ang test sa mga OFWs papuntang Kuwait ay tumaas na ang bayad dito at umaabot sa mahigit siyam na libong piso.
Sinabi ni Bertiz na makailang ulit na nyang inilapit ito kay Ubial pero mukhang walang kapangyarihan ang kalihim o hindi nito gustong aksyunan ang problema ng OFWs.
Dagdag pa ng kongresista, wala ding imbestigasyon na ginawa ang kalihim sa kabila ng mga reklamo laban dito na malinaw na paglabag sa batas.
Health Secretary Paulyn Jean Ubial, Commission on Appointments