Oposisyon sa Senado, ikinatuwa ang pagpapatupad ng batas laban sa mga pang-aabuso sa mga kabataan sa online

Ikinalugod ni Senator Risa Hontiveros ang paggana o pagiging epektibo ng Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (Anti-OSAEC) Law.

Ayon kay Hontiveros, naka-block na sa ngayon ang nasa 20 mga website at mga larawan na nagpapakalat ng mga child sexual abuse at exploitation materials sa internet.

Sa ulat naman ng NBI Cybercrime, bilang tugon sa Anti-OSAEC Law ay agad na inaksyunan ng PLDT ang hiling ng NBI na alisin na ang mga mapang-abusong website.


Sinabi ni Hontiveros na bilang pangunahing may-akda ng batas, napakapositibo ng development na ito para sa paglaban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.

Nagpasalamat din ang senadora sa NBI at sa private sector sa agarang aksyon at pagsunod sa batas.

Hinikayat naman ni Hontiveros ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad sakaling mayroong makita na mga kaso ng mga pang-aabuso at sexual abuse sa mga kabataan sa online, larawan man ito o website.

Facebook Comments