Oposisyon, walang laban sa posibleng Duterte-Duterte tandem sa 2022 – Panelo

2228

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hadlang sa opisisyon ang posibleng Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections.

Matatandaang pinalutang ni Panelo ang ideya kung saan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay tatakbo bilang president habang ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang magiging running mate.


Ayon kay Panelo, hindi na makakapalag pa ang oposisyon laban sa makapangyarihang tandem sa nalalapit na hahalan.

Paglilinaw ni Panelo hindi pinagbabawalan si Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-bise sa susunod na eleksyon.

Maaari aniyang tumakbo si Pangulong Duterte sa mas mababang posisyon.

Walang komento ang mag-amang Duterte sa pahayag ni Panelo.




Facebook Comments