Opposition senators, binatikos ang alegasyong hakot at na-infiltrate ng makakaliwa ang mga supporters ni VP robredo

Binatikos ni Senator Leila de Lima ang pagpapakalat ng fake news na bayad at infiltrate rin umano ng makakaliwa ang mga dumadalo sa campaign rallies ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

Sabi naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, na ka-tandem ni Robredo, ang pagdagsa ng kanilang mga suporters ay dahil sa positive energy at sipag ng kanilang mga volunteers.

Para naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang Oplan Baklas, pati ang mga akusasyon na hakot ang kanilang supporters at suportado umano si VP Robredo ng komunistang grupo ay patunay na nasa panic mode na ngayon ang kanilang mga katunggali sa eleksyon.


Kaugnay nito ay hinamon naman ni dating opposition Senator Antonio Trillanes IV sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Panfilo “Ping” Lacson na pangalanan na kung sino ang mga umano’y komunista sa kampo ni VP Leni Robredo.

Diin ni Trillanes, kung hindi ito gagawin nina Duterte at Lacson ay mababansagan lamang silang mga “fake news peddlers” dahil puro bintang na lamang sila at wala namang pruweba.

Facebook Comments