Nagpahatid ng pasasalamat sa mga miyembro ng European Parliament sina Minority Senators Franklin Drilon, Risa Hontiveros, at Francis Kiko Pangilinan.
Ito ay matapos magpasa ng resolution ang EU Parliament na nananawagan ng pagpapalaya kay Senator Leila de Lima at pagbasura sa mga kinakaharap niyang kaso.
Para sa mga senador, ang hakbang ng European Parliament ay dagdag patunay na walang basehan, imbento at politically-motivated lang ang mga kasong isinampa kay De Lima.
Si Senator De Lima naman ay hindi na nasorpresa sa rekomendasyon ng EU Parliament sa European Commission na suspendehin pansamantala ang ipinagkakaloob na trade preferences sa Pilipinas.
Ayon kay De Lima, ganyan talaga ang aksyon ng EU sa mga bansa na kinakakitaan ng mga hakbang na taliwas sa pagrespeto sa karapatang pantao.