OPS, nakikiisa sa pag-alala sa mga nawalang buhay ng Bagyong Yolanda siyam na taon na ang nakaraan

Nakikiisa ang Office of the Press Secretary (OPS) sa ginagawa ngayong paggunita sa mga buhay na binawi ng Bagyong Yolanda noong 2013.

Ayon kay OPS – OIC Undersecretary Cheloy Garafil, kasama sila ng Marcos administration na gumugunita sa mga nawalang buhay ng napakalakas na bagyo na tumama sa Tacloban City siyam na taon na ang nakakaraan.

Paghilom ayon kay Garafil ang kanilang dalangin para sa mga naiwang mahal sa buhay ng malagim na kalamidad.


Magsilbing paalala rin ayon kay Garafil ang araw na ito para patuloy na magsikap ang lahat sa paghahanda at pagtugon sa panahon ng sakuna.

Nagsilbing ground zero ang Tacloban City noong November 8, 2013 matapos ang paghagupit ng Super Typhoon Yolanda na kung saan ay naranasan ang storm surges na umabot pa ng 20 talampakan.

Facebook Comments