Quezon City – Maari nang salakayin anumang oras na hindi na nangangailangan ng search warrant ang mga establisyimento na nasa larangan ng paggawa, importasyon, at retail ng mga CD at iba pang storage device sa Quezon City.
Sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Quezon City Government at ng Optical Media Board, magiging requirement na sa pagkuha ng business permit ang pagkuha muna ng lisensya mula sa OMB.
Sa ilalim nito, mapapadali na ang inspection sa mga establisimento na matutunugan na sangkot sa piracy o pamimirata.
Ayon kay OMB Chairman Anselmo Adriano, noong nakaraang taon, nakakumpiska sila ng tinatayang nasa mahigit isang bilyong pisong piniratang software na nagdudulot ng pagkalugi sa industriya ng pelikula at musika.
Facebook Comments