Optional retirement ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, aprubado na ng JBC

Inaprubahan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang optional retirement ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Bunga nito, binuksan na ng JBC ang pagtanggap ng aplikasyon para sa magiging bagong Punong Mahistrado.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon at documentary requirements ay sa February 15, 2021.


Ang interesadong aplikante ay maaring bumisita sa website ng JBC na jbc.judiciary.gov.ph at i-access ang online application scheduler.

Nauna nang kinumpirma ng Korte Suprema ang maagang pagreretiro ni Peralta sa March 27, 2021 o ika-69 na kaarawan nito sa hindi binanggit na kadahilanan.

Dapat sana ay sa 2022 pa ang mandatory retirement ni Peralta sa edad na 70-anyos.

Samantala, naghahanap din ang JBC ng papalapit kay Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman na matatapos naman ang termino sa March 13, 2021.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa pwestong iiwanan ni Elman ay sa March 1, 2021.

Facebook Comments