Patuloy na tinututukan ng Health Units ng Lingayen ang pangangalaga at kalusugan ng kanilang mga mamamayan.
Isinagawa ang isang oral vaccination kontra polio ng Lingayen Municipal Health Office kasama ang Rotary Club Lingayen.
Libreng oral anti-polio vaccine ang naibigay sa nasa apat napu’t-isang (41) mga sanggol at bata na may edad 0 hanggang lima na makatutulong sa kanilang pangangatawan na malabanan ang virus na maaaring magdulot ng pagkaparalisa sa mga paa at binti at mga muscle na kumokontrol sa mga organs.
Nasa walong barangay ang nasakop ng programa kabilang ang Brgy. Tonton, Brgy. Poblacion, Brgy. Pangapisan North, Brgy. Pangapisan Sur, Brgy. Libsong West, Brgy. Libsong East, Brgy. Maniboc at Brgy. Dorongan.
Ito ay bahagi ng synchronized vaccination kasabay sa pagdiriwang na rin ng World Polio Day na may temang ‘A healthier future for mothers and children’. |ifmnews