Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw sa Korte Suprema ang tatlong araw na oral arguments sa mga petisyon na kumukwestyon sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa petisyon ng mga opposition congressmen sa June 13, 14 at 15 sa ganap na alas-dies ng umaga.
Una nang inatasan ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General na magsumite ng komento sa nasabing petisyon ng hanggang alas dose ng tanghali ng June 12.
Pinadadalo rin ng mga mahistrado ang mga abogado ng mga partido sa isasagawang preliminary conference sa June 12 ng alas dos ng hapon.
Inoobliga rin ng Supreme Court na magsumite ang mga partido ng kanilang memoranda hanggang June 19 ng alas dos ng hapon.
DZXL558
Facebook Comments