Manila, Philippines – Itutuloy ng Korte Suprema ang ikatlong bahagi ng oral argument hinggil sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao pagkatapos ng nagaganap na internal deliberation o closed door meeting.
Ito ay sa pagitan nina Solicitor General Jose Calida, mga opisyal ng Department of National Defense at mga mahistrado ng SC.
Sa ngayon, tuloy par in ang closed door meeting dahil sensitibo ang pinag-uusapan ng mga opisyal ng DND at mga mahistrado dahil na rin sa national security.
Ang mga ibabahaging impormasyon kasi na hihilingin nila sa Korte Suprema na mailahad lamang sa pamamagitan ng executive session.
Kahapon kung maaalala pinahaharap ng Korte Suprema sina Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff at Martial Law Implementor General Eduardo Año sa oral arguments ngayong araw
Ito ay kasunod na rin ng kahilingan ni Albay Representative Edcel Lagman na naggiit na mahalaga ang presensya ng dalawang opisyal sa pagdinig dahil sila ang tagapagpatupad ng Martial Law sa Mindanao.