Pinaaga nang isang buwan ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng oral arguments para sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sa halip na sa January 24, 2023 gaganapin na ito sa December 6, 2022 sa ganap na alas dos ng hapon.
Samantala, itinakda naman ang preliminary conference sa November 4, 2022.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng Supreme Court na mabigyan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kopya ng mga petisyon at pagkatapos ay maghain ng komento sa loob ng 10 araw matapos na matanggap ang abiso.
Nobyembre nang magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa NCAP na ipinatutupad sa Maynila, Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa at Parañaque.
Kasunod ito ng inihaing petisyon ng ilang transport group laban sa ordinansa na anila’y pahirap sa kanila dahil sa hindi maayos na sistema at mataas na multa.