Oral arguments kaugnay sa petisyong itigil ang paglilipat ng PhilHealth funds, tuloy sa kabila ng inilabas na TRO ng Korte Suprema

Tuloy ang oral arguments sa Korte Suprema kaugnay sa petisyong kumukuwestiyon sa paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury.

Ito ang sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Kataas-taasang Hukuman na pumipigil sa paglilipat ng pondo para gamitin sa unprogrammed appropriations.

Batay sa TRO ng SC, pinagsama-sama na ang tatlong petisyon partikular ang inihian ng 1SAMBAYAN Coalition, Senate Minority Leader Koko Pimentel, at nina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares.


Lahat ng mga petisyon ay hinihiling na ihinto ang sobrang pondo ng ahensiya.

Samantala, tuloy ang oral arguments sa January 14, 2025.

Una nang hiniling ng Office of the Solicitor General sa SC na ibasura ang petisyon kasabay ng paggiit na legal ang paglilipat ng pondo.

Sa ngayon, malaking bahagi na ng PhilHealth funds ang naibalik sa National Treasury.

Facebook Comments