ORAL ARGUMENTS | Minority senators, humirit sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Muling dumulog sa Korte Suprema ang mga senador mula sa minorya.

Hiniling sa Supreme Court (SC) nina Minority Senators Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes na pagbigyan ang kahilingan ni detained Senadora Leila De Lima na makadalo sa oral arguments ng Korte Suprema kaugnay ng pag-withdraw ng Pilipinas sa Rome Statute of the International Criminal Court (ICC).

Itinakda ang naturang oral arguments sa August 14.


Una nang kinuwestiyon ng minority senators ang ligalidad ng pag-withdraw ng Pilipinas sa ICC nang walang pag-apruba ng mga mambabatas.

Facebook Comments