Oral arguments ng SC kaugnay ng petisyon kontra Martial Law extension, hindi matutuloy bukas

Manila, Philippines – Sa halip na bukas, January 22, ipinagpaliban ng Korte Suprema ang oral arguments kaugnay ng petisyon kontra sa ikatlong extension ng Martial Law sa Mindanao.

Kasunod ito ng pagsasampa ng panibagong petisyon ng grupong Makabayan bloc at ni dating COMELEC Commissioner Christian Monsod.

Bunga nito, itinakda ng Korte Suprema ang oral arguments sa January 29


Una na ring naghain ng petisyon sa Supreme Court ang opposition congressmen sa pangunguna ni Albay Cong. Edcel Lagman o ang tinaguriang Magnifecent 7.

Hiniling ng Makabayan bloc sa Korte Suprema na pag-isahin na lamang ang mga petisyon kontra Martial Law extension.

Hiniling din ni nila na payagan sila ng Supreme Court na makalahok sa oral arguments.

Facebook Comments