
Umarangkada na ngayong Martes ng hapon ang oral arguments ng Korte Suprema kaugnay sa petisyon na kilalanin ang foreign divorce sa Pilipinas.
Pasado 2:30 ng hapon nang magsimula ang sesyon para dinggin ang kaso na G.R. No. 257575.
Hinihiling ng petitioner na kilalanin ng Pilipinas ang divorce na ginawa sa ibang bansa dahil legal pa rin silang mag-asawa pagdating dito.
Nakasaad din sa petisyon na ipawalang bisa na ang kanilang kasal na ginanap sa Pilipinas.
Tinatalakay ngayon ng mga mahistrado kung pagbibigyan o hindi ang hiling ng petitioners.
Facebook Comments









