Oral arguments sa isyu ng illegitimate children, tinapos na

Manila, Philippines – Tinapos na ng Korte Suprema ang oral arguments sa usapin ng illegitimate children.

Kasama rin sa usapin ang constitutionality ng Article 992 ng New Civil Code, na nagbabawal sa mga illegitimate children para makakuha ng mana sa mga lehitimong anak ng isang ina o ama.

Sa oral argument, sinabi ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando na maitutuirng bilang isang trailblazer ang isang 41-anyos na ginang na petitioner sa nasabing usapin.


Natanong din ng mga mahistrado ang ginang sa ikalawang araw ng oral arguments kung papayag ba itong pumasok na lamang sa isang compromise agreement kung ibibigay na lamang sa kanya ang lote, o ari-arian ng kanyang yumaong lolo.

Nasagot lamang ng petitioner na susunod lamang siya sa ipag-uutos ng korte, pero batid ng mga mahistrado na hangad ng petitioner na kilalanin din siya bilang pamilya ng mga naulila ng kanyang lolo.

Nag-ugat ang paghahain ng petisyon ng ginang sa Supreme Court matapos ibasura ng Court of Appeals ang kanyang kahilingan sa usapin ng kanyang karapatan sa mana ng kanyang yumaong lolo.

Hindi kase kinilala ang karapatan ng babaeng petitioner ng mga kaanak ng yumaong lolo dahil sa hindi kasal ang kanyang ina sa kanyang ama.

Inatasan naman ng Supreme Court ang magkabilang panig na isumite ang detalye ng kanilang mga argumento bago  o sa pagsapit ng October 7, bago ideklarang submitted for resolution ang kaso.

Facebook Comments