Hindi matutuloy ang nakatakda sanang oral arguments sa Martes kaugnay ng mga petisyon kontra Anti-Terror Law.
Kasunod na rin ito ng kahilingan ni Solicitor General Jose Calida na ipagpaliban muna ang oral arguments matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang Assistant Solicitor General at ang ilang staff nito.
Pinayuhan din ng Supreme Court ang mga lalahok sa oral arguments na hindi empleyado ng Korte Suprema kasama na ang media na ipagpaliban muna ang kanilang swab test.
Inoobliga kasi ng Supreme Court ang mga mamamahayag at non-employees nito na sumailalim sa swab test, 72 hours bago ang oral arguments.
Bunga nito, itinakda ang oral arguments sa February 2, 2021 dakong alas-2:30 ng hapon.
Facebook Comments