Oral arguments sa petisyon kontra sa ligalidad ng pagsasagawa ng nationwide exam para sa mga kukuha ng bachelor of law, itinakda ng SC

Manila, Philippines – Nagtakda ang Korte Suprema ng oral arguments kaugnay ng petisyon kontra sa ligalidad ng pagsasagawa ng nationwide exam para sa mga nais mag-enroll sa kursong Bachelor of Law.

Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, pinasasagot ang Legal Education Board sa petisyon na inihain ni retired Makati RTC Judge Oscar Pimentel at Francis Jose Lean Abataya sa loob ng sampung araw.

Itinakda rin ng Korte Suprema ang oral arguments sa March 5 at March 12, dakong alas-2 ng hapon.


Nakasaad din sa en banc resolution na imbitado sa oral arguments sina dating Ateneo Law School Dean Sedfrey Candelaria at dating UP Law Dean Merlin Magallona bilang mga Amicus Curiae para magbigay linaw sa isyu.

Una nang hiniling ng mga petitioner sa SC na pigilan ang pagpapatupad ng Legal Education Board Memorandum Order No. 7 na nagtatakda ng Philippine Law School Admission Test nationwide dahil ito ay labag sa batas.

Nakasaad sa memo order number 7 na magiging sukatan sa kapasidad ng estudyante kung dapat ba syang kumuha kursong law at ang mga law school na hindi susunod ay may kaukulang multa.

Facebook Comments