
Inanunsiyo ng Korte Suprema na iniurong ang oral arguments kaugnay sa Maharlika Investment Funds.
Bukas sana nakatakdang isagawa ang oral arguments pero walang ibang ibinigay na detalye ang Supreme Court sa dahilan ng pagpapaliban at bagong petsa.
Kinukuwestiyon sa Kataas-taasang Hukuman ang pagiging naaayon sa Saligang Batas ng MIF na isang sovereign wealth fund at ipinadedeklara itong unconstitutional.
Hinihiling ng petitioners na maglabas ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction ang SC laban sa MIF.
Nagsilbing petitioners sina dating Senador Koko Pimentel, Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares at dating Bayan Muna representatives Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite.
Habang respondents naman dito ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Land Bank of the Philippines, at Development Bank of the Philippines.









