Manila, Philippines – Itinakda na ng Korte Suprema ang oral arguments kaugnay ng petisyon na inihain para ipawalang bisa ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Theodore Te – tatlong araw na didinggin mula June 13, 14 at 15 ang mga petisyon inihain ng ilang mambabatas.
Iginiit naman ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo – walang saysay ang mga inihaing petisyon.
Pinagsusumite sina Solicitor General Jose Calida ng argumento sa petisyon bilang abogado ng gobyerno.
Nagbigay din ng direktiba ang SC sa mga respondents na sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary/Martial Law Administrator Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na magpasa ng kanilang komento hanggang sa Lunes, June 12.
DZXL558