Itinakda ng Korte Suprema sa October 21 ang oral arguments sa petition na humihiling na magpalabas ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order sa pagpapaliban ng Barangay at SK Elections.
Dakong alas tres ng hapon sa Biyernes isasagawa ang oral arguments sa petisyon ni election lawyer Romulo Macalintal.
Binigyan naman ng Korte Suprema ng 3 araw ang respondents para magkomento sa itinakdang oral arguments.
Kabilang sa respondents sa petisyon ang Commission on Elections (Comelec) at ang Office of the President.
Una nang inihayag ng Comelec na panahon na para magkaroon ng ruling ang Supreme Court hinggil dito kung saan ito na ang magiging basehan sakaling magkaroon muli ng postponement o reset ng halalan.
Facebook Comments