ORAL HEALTH BENEFIT PACKAGE NG PHILHEALTH, INILUNSAD SA BANI

Maaari nang magamit sa bayan ng Bani ang Preventive Oral Health Benefit Package ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos itong buksan sa Municipal Health Office noong Pebrero 25, 2026.

Sa ilalim ng programa, may nakalaang hanggang ₱1,000 kada taon ang bawat pasyenteng miyembro para sa dental services.

Kabilang dito ang oral examination at consultation, oral prophylaxis o cleaning, fluoride varnish application at pit and fissure sealant ng isa hanggang dalawang ngipin kada taon.

Ayon sa ahensya, maaaring mag-avail ang mga aktibong miyembro ng PhilHealth at kanilang kwalipikadong dependents, alinsunod sa eligibility requirements.

Abiso ng lokal na pamahalaan na maaaring magpa-iskedyul sa Rural Health Unit 1 sa Barangay Poblacion ang mga residente na nais samantalahin ang benepisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments