Inilapit ng Department of Health Ilocos Region ang ilang pangunahing serbisyo sa pangangalaga ng ngipin at bibig sa mga indigenous people sa apat na lalawigan sa rehiyon.
Ilan sa mga nabisita ng tanggapan ang Brgy. Isic-Isic sa Vintar, Ilocos Norte, San Emilio, Ilocos Sur, Naguilian, La Union, at Infanta, Pangasinan – mga komunidad na itinuturing na Unserved and Underserved Areas na karaniwang nagiging hadlang sa serbisyo medikal ang distansya at kakulangan ng resources upang makapagpatingin sa mga espesyalista.
Katuwang ang iba pang sangay ng gobyerno, tiniyak na nabigyang-din ng aktibidad ang kampanya ng tanggapan na makamit ang 70 porsyento ng Pilipino na may 20 natural teeth pagsapit sa edad na 20.
Bukod pa rito, layunin na maturuan ang mga residente sa maagang interbensyon upang pangalagaan ang kalusugan ng bibig bilang mahalagang salik sa pangkalahatang kalusugan ng isang indibidwal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










