Oral Hygiene, makakatulong na bawasan ang severe COVID-19 ayon sa isang pag-aaral

Ang pagkakaroon ng simpleng oral hygiene ay makatutulong na mabawasan ang pagkakaroon ng COVID-19 mula sa bibig patungo sa baga.

Batay sa pag-aaral na inilathala ng Journal of Oral Medicine and Dental Research noong April 20, ang mga COVID-19 patients na may gum disease ay 3.5 times na maaaring ipasok sa intensive care unit, 4.5 times na mangangailangan ng ventilator, at 8.8 times na posibleng mamatay sa sakit.

Ang pagkakaroon ng dental plaque accumulation at periodontal inflammation ay nagpapataas lamang ng tiyansa ng SARS-CoV-2 virus na bumaba sa baga at magdulot ng malalang impeksyon.


Importanteng iprayoridad ang oral hygiene at oral healthcare para maisalba ang buhay ng mga COVID-19 patients.

Ang paggamit ng mouthwash ay mababawasan na ang viral load sa laway.

Nasa 568 pasyente ang isinailalim sa pag-aaral na binubuo ng research team mula sa mga eksperto ng Salisbury District Hospital sa United Kingdom, Mouth-Body Research Institute sa Estados Unidos at South Africa at University of Birmingham sa UK.

Facebook Comments