Itinaas na ng PAGASA sa orange rainfall warning ang buong Quezon Province.
Inilabas ang warning ngayong hapon lamang.
Ayon sa PAGASA, nagbabadya ang pagbaha sa mga low-lying areas at river channels sa Southern Quezon.
Sa ilalim ng PAGASA Rainfall Warning System, nangangahulugan ang orange rainfall warning system ng 15 hanggang 30 mm na malakas na pag-ulan sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Ang mga pag-ulan ay dulot ng nalusaw na bagyong Usman na ngayon ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA) at ng tail-end of a cold front.
Pinag-iingat din ang Batangas at Laguna sa katamtaman hanggang sa manaka-nakang pag-ulan sa susunod na tatlong oras.
Apektado naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal at buong Quezon.