Oras ng pagboto ng mga senior citizens at PWDs sa Muntinlupa City sa October 30, inilatag na

Nagtakda ang Muntinlupa City ng oras para sa pagboto sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 at 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 (𝐁𝐒𝐊𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟑) ng Senior Citizens, PWDs, at mga buntis.

Mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng umaga ang itinakdang oras para sa pagboto ng senior citizens, PWDs, at heavily pregnant woman sa October 30, 2023.

Maaari ring sumabay sa maagang pagboto ang mga aalalay o kasama ng naturang population.


Layon nito na maprotektahan sila sa pagdagsa ng mga regular na botante sa araw ng halalan.

Facebook Comments