Dahil sa inaasahang dagdag na oras sa proseso ng pagboto dahil sa pag-iisyu ng resibo… Plano ngayon ng Comelec na buksan ng mas maaga ang mga polling precincts sa May 9 elections.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, pinag-aaralan ng komisyon na gawing alas 6:00 ng umaga ang simula ng botohan.Aniya sa halip na gabihin ay mas mabuting umpisahan na lang ng maaga ang pagboto.Base sa orihinal na schedule, itinakda ng Comelec ang oras ng pagboto mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.Samantala, sinimulan na kahapon ng Comelec ang pagre-configure sa mga S-D card para sa dagdag instruction sa mga Vote Counting Machine (VCM) na mag-imprenta ng resibo.Nakapagpa-bid narin ang poll body sa mga rolyo ng thermal paper na gagamiting resibo.Habang hinahabol pa ang bidding para naman sa 100,000 gunting na panggupit ng naimprentang resibo kasama na rito pagbili ng mahigit 92,000 plastic box na paglalagyan ng mga na-isyung resibo sa mga botante.
Oras Ng Pagboto Sa Eleksyon, Planong Agahan Ng Comelec
Facebook Comments