Oras ng pagbubukas ng malls sa Metro Manila, babaguhin na mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi

Pumayag na ang mga operator ng malls sa Metro Manila na palawigin ang oras ng pagbubukas nito sa papalapit na holiday seasons.

Kasunod ito ng hiling ng Metro Manila Council (MMC) sa mga malls na baguhin ang oras ng operasyon nito sa alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, pumayag na rin ang mga malls na isagawa lamang tuwing weekend at holiday ang pagdaraos ng sale.


Layon ng mga ipinatutupad na panuntunan na mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong holiday season.

Inaasahang ilalabas naman ngayong araw ang resolusyon na pinag-uusapan ng MMDA kaugnay sa pagbabago ng curfew hours sa Metro Manila.

Facebook Comments