Oras ng rehistrasyon ng pagboto, pinahaba pa ng Comelec

Pinahaba pa ng Commission on Elections (Comelec) ang oras ng rehistrasyon para sa 2022 National Election.

Ayon sa Comelec, magsisimula ito sa lunes, August 23 kung saan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, ay magiging alas-8 ng umaga hanggang alas-7 na ito ng gabi.

Una nang tinanggihan ng Comelec ang pagpapalawig ng voters’ registration dahil anila, posibleng magdulot ito ng delay sa paghahanda para sa eleksiyon.


Ginaganap lamang ang rehistrasyon sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Facebook Comments