
Sayang lang ang oras ng Senado para sa kanilang posibilidad na pagpapasya na ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Impeachment Spokesperson Atty. Antonio Bucoy, ito ay dahil wala pang pinal na desisyon ang Supreme Court kaugnay sa pagdeklara nito na unconstitutional ang impeachment case laban kay VP Sara.
Sabi ni Bucoy, binigyan pa ng Kataas-taasang Hukuman ng pagkakataon ang Kamara na makapaghain ng Motion for Reconsideration (MR) kaya posibleng marebisa o mabaligtad pa ang nauna nitong pasya.
Kaya naman giit ni Bucoy sa mga senador na bumubuo sa Senate Impeachment Court na irespeto ang proseso at hintayin muna ang magiging hatol ng Supreme Court sa MR ng Kamara.
Facebook Comments









