Pinahaba ng Commission on Elections (COMELEC) ang oras ng voter registration sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.
Ito ay upang mas marami pang Pinoy na hirap makapagrehistro dahil sa pandemya ang maserbisyuhan ng COMELEC.
Simula ngayon araw, Oct. 16 hanggang Oct. 23, ang voter registration hours tuwing Lunes hanggang Biyernes ay alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi at hanggang alas-5:00 naman ng hapon tuwing Sabado sa mga sumusunod na lugar:
– Metro Manila
– Munisipalidad ng Alcala at San Quintin sa Pangasinan
– Tarlac City, bayan ng Capas, at Concepcion, Tarlac
– buong lalawigan ng Quezon
– Labo, Camarines Norte
– Castilla, Sorsogon
– Mga lungsod ng Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu sa Cebu
Habang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang registration hours kabilang ang Sabado sa:
– Municipalities ng Anda, Sto. Tomas at Sual sa Pangasinan
– Municipalities ng Aringay, Balaoan, at Caba sa La Union
– Lahat ng lungsod at munisipalidad sa Ilocos Sur
– Municipalities ng Balatan, Bula, Cabusao, Goa, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Minalabac, Ragay, Sagñay, San Fernando, San Jose, Tigaon, at Tinambac sa Camarines Sur
Mananatili naman ang voter registration hours sa iba pang bahagi ng bansa hanggang sa deadline nito sa October 30, 2021.