‘Oras Pinas’ campaign, inilunsad

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang “Oras Pinas,” isang kampanya para i-promote ang Philippine Standard Time (PST).

Ang inisyatibong ito ay dating tinatawag na “Juan Time.”

Bawat Taon, pinangungunahan ng DOST ang paggunita sa National Time Consciousness Week (NTCW) alinsunod sa Republic Act 10535 o Philippine Standard Time Act of 2013.


Ayon sa DOST, ang kampanyang ito ay layong itama ang lahat ng oras sa buong bansa ilalim ng bagong Filipino Time.

Ang tema ngayong taon ay “Synchronizing Filipino Time with ORAS PINAS,” na layong ipakilala ang bagong kampanya bilang bagong brand ng PST na may tagline, “One Nation, One Time: Pilipinas ON TIME.”

Sa pamamagitan ng bagong brand, umaasa ang DOST na ang kampanya ay maitatatag ang bagong kultura sa mga Pilipino na palaging on-time.

Ang NTCW ay ginugunita tuwing unang linggo ng Enero ng bawat taon para isulong ang kahalahagan ng oras at paggalang sa oras ng iba.

Facebook Comments